Ang Bisa ng Kolaboratib-Kooperatib na Estratehiya sa Pagkatuto ng Filipino ng mga Mag-aaral sa Unang Taon sa Kolehiyo ng Mindanao State University-Sulu at Sulu State College
Authors:
Wilma A. Lakkian
Abstract
Ang patuloy na pagtuklas ng makabago at epektibong pamamaraan ng pagturo ang siyang tanging susi ng pag-angat ng kalidad ng edukasyon, partikular sa lalawigan ng Sulu. Kung ating isasaalang-alang ang kalagayang sosyal, ispirituwal, politikal at pinansyal ng mga mag-aaral, ang minimithing kaunlaran sa larangan ng edukasyon ay isang malaking hamon na susubok sa kakayahan at tatag ng ating mga guro at tagapamahala ng mga paaralan.